The 70 competencies set for Grade 7 Filipino, and every one has lessons behind it.
Panitikang Katutubo
7 competencies
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng tekstong pampanitikan sa Panahon ng Katutubo.
Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa tula at/o tuluyan batay sa konteksto ng panahon, lunan, at may-akda.
Nasusuri ang mga detalye ng teksto para sa kritikal na pag-unawa.
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tula batay sa sariling pananaw, moral, katangian, at karanasan ng tao.
Nasusuri ang kultural na elemento tulad ng simbolo, wika, norms, pagpapahalaga, at arketipo batay sa konteksto ng panahon.
Nasusuri ang kultural na elemento sa tula at/o tuluyan batay sa konteksto ng panahon.
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tula at/o tuluyan batay sa sariling pananaw, moral, katangian, at karanasan ng tao.
Tula at Awiting-Bayan
4 competencies
Nasusuri ang mga detalye ng tula o awiting-bayan para sa kritikal na pag-unawa.
Natutukoy ang mahahalagang elemento at detalye ng tula.
Naipaliliwanag ang nakapaloob na pahiwatig, simbolo, talinghaga, at larawang-diwa o imahen sa tula.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika tulad ng sukat, tugma, tono, at talinghaga ng tula.
Tuluyan
3 competencies
Natutukoy ang tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian, at detalye sa tuluyan.
Naipaliliwanag ang banghay, foreshadowing, in medias res, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa binasang tuluyan.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika tulad ng bisa ng salita, pahiwatig, idyomatikong pahayag, at estilo ng tuluyan.
Tekstong Ekspositori
7 competencies
Nauunawaan ang tekstong ekspositori gamit ang kasanayang pang-akademiko.
Natutukoy ang paksa, layon, at ideya sa teksto.
Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon.
Naibabalangkas ang mahahalagang detalye at ideya mula sa teksto.
Naipaliliwanag ang mahahalagang ideya at detalye gamit ang diksyon, estilo, transisyonal at kohesiyong gramatikal, at kaangkupan ng salita at ideya.
Nasusuri ang tekstong ekspositori batay sa estruktura nitong deskripsyon, pagkakaiba at pagkakatulad, at sanhi at bunga.
Nasusuri ang tekstong ekspositori batay sa estruktura nitong suliranin at solusyon, at pagkakasunod-sunod at proseso.
Sanaysay tungkol sa Tauhan
2 competencies
Natutukoy ang tiyak na tauhang itatampok sa sanaysay.
Nakabubuo ng sanaysay tungkol sa pinakatampok na mga pangyayari sa buhay ng isang tauhan sa binasang akda.
Tekstong Biswal
4 competencies
Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa teknikal na biswal.
Nasusuri ang estereotipo sa tekstong biswal.
Naipaliliwanag at naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng panitikan at ekspositori.
Naipaliliwanag at naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng teksto.
Comic Book Brochure
12 competencies
Naitatala ang mga tiyak na dayalog at caption sa istrip na makapaglalarawan sa tauhan.
Naibabalangkas ang mga tiyak na dayalog at caption na makapaglalarawan sa tauhan.
Naiguguhit ang imahen o larawan ng tauhan batay sa mga pangyayari at dayalog.
Nakabubuo ng burador ng disenyo at pabalat ng comic book brochure gamit ang mga elementong biswal.
Natutukoy ang tiyak na tipo ng brochure na paglalapatan ng sanaysay.
Naibabahagi ang nabuong proseso sa napiling platform na isinasaalang-alang ang storytelling, etikal na kasanayan, at pananagutan.
Naitatala ang mga tiyak na dayalog at caption na makapaglalarawan sa tauhan.
Nakapagsasagawa ng pagdisenyo o pag-aanyo ng comic book brochure gamit ang tipo, sulat, tupi, at kulay.
Natutukoy ang mga elemento ng comic book brochure na paglalapatan ng sanaysay.
Naiguguhit ang imahen o larawan ng tauhan batay sa pangyayari at dayalog.
Nakapagsasagawa ng pinal na pagdisenyo o pag-aanyo ng comic book brochure batay sa elemento nito.
Naibabahagi ang nilikhang tekstong multimodal sa napiling platform na isinasaalang-alang ang storytelling, etikal na kasanayan, at pananagutan.
Panitikan sa Panahon ng Espanya
8 competencies
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng tekstong pampanitikan sa Panahon ng Pananakop ng Espanya.
Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa teksto batay sa konteksto ng panahon, lunan, at may-akda.
Natutukoy ang mahahalagang elemento at detalye sa mga akda.
Naipaliliwanag ang mensahe o pahiwatig at kaisipang nakapaloob sa mga akda.
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng akda batay sa sariling pananaw, moral, katangian, at karanasan ng tao.
Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa.
Nasusuri ang kultural na elemento batay sa konteksto ng panahon.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika at gamit ng wika sa akda.
Tekstong Pampahayagan at Balita
5 competencies
Naiisa-isa ang mga platform at katangian ng mga tekstong pampahayagan.
Nasusuri ang tekstong pampahayagan o balita batay sa estruktura at katangian nito: pabaligtad na piramide, Sino, Ano, Kailan, Saan, at Paano, at paraan ng pagsulat.
Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon tulad ng narinig at direktang sinabi mula sa interbyu, direktang sipi mula sa nabasa, at paraphrasing sa mahahalagang detalye at ideya mula sa teksto.
Naipaliliwanag ang mahahalagang ideya at detalye gamit ang diksyon, estilo, transisyonal at kohesiyong gramatikal at kaangkupan ng salita at ideya.
Natutukoy ang paraan ng pagtutumbas at/o panghihiram ng salita sa teksto.
Ibong Adarna
9 competencies
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng Obra Maestra – Ibong Adarna.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika sa Ibong Adarna tulad ng sukat, tugma, talinghaga, at estilo.
Natutukoy ang tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian, at detalye sa Ibong Adarna.
Naipaliliwanag ang banghay, pagkakasunod-sunod ng pangyayari, foreshadowing, mensahe, pahiwatig, at kaisipan.
Naipaliliwanag ang banghay, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa Ibong Adarna.
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan batay sa sariling pananaw, moral, katangian, at karanasan ng tao.
Naipaliliwanag ang banghay, foreshadowing, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa akda.
Nakapaghahambing ng mga tekstong hawig sa Ibong Adarna at iba pang koridong nasusulat sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Nakapipili ng mahahalagang pangyayari sa Ibong Adarna na maiuugnay sa pagiging Pilipino.
Tekstong Biswal sa Ibong Adarna
3 competencies
Nasusuri ang mga tekstong biswal na makikita sa Ibong Adarna.
Naipaliliwanag ang kahulugan ng tekstong biswal sa Obra Maestra – Ibong Adarna.
Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng Obra Maestra.
Shadow Play ng Ibong Adarna
6 competencies
Nakabubuo ng iskrip para sa pagtatanghal ng puppet shadow play tungkol sa mahahalagang pangyayari sa Ibong Adarna.
Nakasusulat ng iskrip para sa shadow play.
Nakasusulat ng plano ng pagtatanghal.
Natutukoy ang mga elementong gagamitin sa pagbuo ng mga puppet.
Nakapagsasagawa ng shadow play batay sa elemento ng tekstong biswal.
Naibabahagi ang nilikhang tekstong multimodal sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, etikal na kasanayan, at pananagutan.