The 77 competencies set for Grade 8 Filipino, and every one has lessons behind it.
Tula at Sanaysay sa Panahon ng Propaganda at Himagsikan
14 competencies
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng tekstong pampanitikan sa Panahon ng Propaganda.
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng tekstong pampanitikan sa Panahon ng Himagsikan.
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tula at/o sanaysay batay sa sariling pananaw, moral, katangian, at karanasan ng tao.
Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa tula at/o sanaysay batay sa konteksto ng panahon, lunan, at may-akda.
Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa.
Nasusuri ang kultural na elemento tulad ng simbolo, wika, norms, pagpapahalaga, at arketipo na nakapaloob sa tula at/o sanaysay batay sa konteksto ng panahon.
Natutukoy ang mahahalagang elemento at detalye ng tula.
Naipaliliwanag ang nakapaloob na pahiwatig, simbolo, talinghaga, at larawang-diwa o imahen sa tula.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika tulad ng sukat, tono, tugma, at talinghaga ng tula.
Natutukoy ang mahahalagang elemento tulad ng paksa, anyo, kaisipan, damdamin, himig, at estilo at detalye sa sanaysay.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika tulad ng anyo, damdamin, himig, at wika ng sanaysay.
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan sa tula at/o sanaysay batay sa sariling pananaw, moral, katangian, at karanasan ng tao.
Nakapipili ng sanaysay tungkol sa Kalinangang Pilipino mula sa Panahon ng Propaganda hanggang sa Panahon ng Himagsikan.
Nakapagtatala ng mga detalye tungkol sa binasang sanaysay.
Tekstong Persweysib
7 competencies
Nauunawaan ang tekstong persweysib gamit ang kasanayang pang-akademiko.
Natutukoy ang paksa, layon, at ideya sa teksto.
Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon mula sa tekstong persweysib.
Nakapag-aanalisa at nakapagtataya ng mapanghikayat na salita at pahayag.
Nasusuri ang tekstong persweysib batay sa estruktura nito tulad ng punto, ebidensya, at analisis.
Naibabalangkas ang mahahalagang detalye at ideya mula sa teksto.
Naipaliliwanag ang mahahalagang ideya at detalye gamit ang diksyon, estilo, transisyonal at kohesiyong gramatikal, at kaangkupan ng salita at ideya.
Tekstong Biswal
5 competencies
Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa teknikal na biswal.
Nasusuri ang estereotipo sa tekstong biswal.
Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal.
Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng panitikan at persweysib na teksto.
Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa teknikal na biswal at estereotipo.
Video at Animasyon ng Sanaysay
9 competencies
Nakasusulat ng panimulang iskrip batay sa haba at frame ng gagawing video o animasyon.
Nakabubuo ng burador ng sanaysay na may paglalapat ng mga elementong biswal sa ilustrasyon na gagamitin sa video o animasyon.
Naibabahagi ang nabuong proseso sa paglikha ng burador ng sanaysay sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, pag-uulat, etikal na kasanayan, at pananagutan.
Nakapagpaplano ng visual representation at audio na gagamitin sa video o animasyon.
Naibabalangkas ang mga tiyak na dayalog, caption, at sound sa video o animasyon.
Nailalapat ang mga elemento ng video o animasyon sa pagbuo ng multimodal.
Nakabubuo ng inisyal na video o animasyon ng isang sanaysay.
Nakapagsasagawa ng pinal na pagdisenyo o pag-aanyo ng video o animasyon ng sanaysay batay sa elemento nito.
Naibabahagi ang nilikhang tekstong multimodal sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, etikal na kasanayan, at pananagutan.
Tula at Tuluyan sa Panahon ng Amerikano at Hapon
10 competencies
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng tekstong pampanitikan sa Panahon ng Pananakop ng Estados Unidos.
Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa tula at/o tuluyan batay sa konteksto ng panahon, lunan, at may-akda.
Natutukoy ang mahahalagang elemento tulad ng tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian, at detalye sa tuluyan.
Naipaliliwanag ang banghay, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa binasang tuluyan.
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng tekstong pampanitikan sa Panahon ng Pananakop ng Hapon.
Natutukoy ang mahahalagang elemento ng tula.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika ng tula.
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan sa tula at/o tuluyan batay sa sariling pananaw, moral, katangian, at karanasan ng tao.
Nasusuri ang kultural na elemento tulad ng simbolo, wika, norms, pagpapahalaga, at arketipo batay sa konteksto ng panahon.
Nakabubuo ng karagdagang detalye tungkol sa Kalinangang Pilipino sa Panahon ng Pananakop ng Estados Unidos hanggang sa Panahon ng Pananakop ng Hapon para sa burador ng sanaysay.
Tekstong Pampahayagan at Editoryal
6 competencies
Naiisa-isa ang mga platform at katangian ng mga tekstong pampahayagan.
Nasusuri ang tekstong pampahayagan o editoryal batay sa estruktura at katangian nito.
Nakapagtatala ng mahahalagang impormasyon tulad ng narinig at direktang sinabi mula sa interbyu, direktang sipi mula sa nabasa, at paraphrasing sa mahahalagang detalye at ideya mula sa teksto.
Naipaliliwanag ang mahahalagang ideya at detalye gamit ang diksyon, estilo, transisyonal at kohesiyong gramatikal, kritisismo, interpretasyon, panghikayat, at papuri.
Naipaliliwanag ang mahahalagang ideya at detalye gamit ang diksyon, estilo, transisyonal at kohesiyong gramatikal at kaangkupan ng salita.
Natutukoy ang paraan ng pagtutumbas at/o panghihiram ng salita at pahayag sa teksto.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
3 competencies
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng Obra Maestra – Florante at Laura.
Nasusuri ang mga kaugnay na impormasyon hinggil sa talambuhay ng may-akda.
Nasusuri ang mga kaugnay na impormasyon hinggil sa Apat na Himagsik ni Balagtas, Kay Selya, at Sa Babasa Nito.
Banghay at Wika ng Florante at Laura
8 competencies
Natutukoy ang tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian, at detalye sa Florante at Laura.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika tulad ng sukat, tugma, talinghaga, at estilo.
Naipaliliwanag ang banghay, pagkakasunod-sunod ng pangyayari, pagbabalik-tanaw, in medias res, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa Florante at Laura.
Natutukoy ang mahahalagang elemento tulad ng tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian, at detalye.
Naipaliliwanag ang banghay, pahiwatig, mensahe, at kaisipan sa Florante at Laura.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika sa akda.
Naipaliliwanag ang parallelism and simultaneity, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa Florante at Laura.
Naipaliliwanag ang banghay, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa Florante at Laura.
Kaisipan at Konteksto ng Florante at Laura
4 competencies
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan batay sa sariling pananaw, moral, katangian, at karanasan ng tao.
Naipahahayag ang sariling saloobin, pananaw, at damdamin tungkol sa napapanahong isyu kaugnay ng akda.
Nasusuri ang mahahalagang pangyayari batay sa konteksto ng panahon, sosyo-kultural, lunan, at may-akda.
Nakapaghahambing ng mga tekstong hawig sa Florante at Laura at iba pang awit na nasusulat sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Tekstong Biswal at Alegorya sa Florante at Laura
3 competencies
Nasusuri ang mga tekstong biswal na makikita sa Florante at Laura.
Naipaliliwanag ang kahulugan ng tekstong biswal at alegorya sa Florante at Laura.
Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng Obra Maestra.
Spoken Word Poetry
8 competencies
Nakabubuo ng tula para sa spoken word poetry na nagtatampok sa Apat na Himagsik ni Balagtas at maiuugnay sa panunumbalik ng Kalinangang Pilipino.
Nakapipili ng angkop na mga salita.
Nakasusulat ng burador ng tula para sa spoken word poetry.
Nagagamit ang matalinghagang salita at elemento ng tula sa pagbuo ng spoken word poetry.
Nairerebisa ang piyesa para sa spoken word poetry.
Naisasapinal ang nagawang spoken word poetry.
Nakapaghahanda ng pagtatanghal ng isang spoken word poetry.
Nakapagsasagawa ng pagtatanghal ng isang spoken word poetry.