The 69 competencies set for Grade 9 Filipino, and every one has lessons behind it.
Konteksto at Kaisipan sa Panitikang Filipino
8 competencies
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng tekstong pampanitikan sa Panahon ng Kasarinlan.
Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa tula at/o tuluyan batay sa konteksto ng panahon, lunan, at may-akda.
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng tekstong pampanitikan sa Panahon ng Aktibismo.
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan ng tula at/o tuluyan batay sa sariling pananaw, moral, katangian, at karanasan ng tao.
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng tekstong pampanitikan sa Panahon ng Batas-Militar.
Nasusuri ang kultural na elemento tulad ng simbolo, wika, norms, pagpapahalaga, at arketipo batay sa konteksto ng panahon.
Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pag-unawa.
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng tekstong pampanitikan sa Panahon ng 1986 hanggang pagbubukas ng Bagong Milenyo.
Pagsusuri ng Tula
5 competencies
Natutukoy ang mahahalagang elemento at detalye ng tula.
Naipaliliwanag ang pahiwatig, simbolo, talinghaga, at larawang-diwa o imahen sa tula.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika tulad ng sukat, tono, tugma, at talinghaga ng tula.
Naipaliliwanag ang pahiwatig, simbolo, talinghaga, at larawang-diwa sa tula.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika ng tula.
Pagsusuri ng Tuluyan
6 competencies
Natutukoy ang tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian, at detalye sa tuluyan.
Naipaliliwanag ang banghay, pagkakasunod-sunod, foreshadowing, parallelism and simultaneity, in medias res, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa binasang tuluyan.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika tulad ng bisa ng salita, pahiwatig, idyomatikong pahayag, at estilo ng tuluyan.
Natutukoy ang mahahalagang elemento tulad ng tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian, at detalye sa tuluyan.
Naipaliliwanag ang banghay, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa binasang tuluyan.
Naipaliliwanag ang banghay, pahiwatig, mensahe, at kaisipan sa binasang o napanood na tuluyan.
Tekstong Argumentatibo at Sanggunian
7 competencies
Nauunawaan ang tekstong argumentatibo gamit ang kasanayang pang-akademiko.
Natutukoy ang paksa, layon, at ideya sa teksto.
Natutukoy sa tekstong argumentatibo ang mga impormasyon at detalye na makatotohanan at mayaman sa opinyon.
Nakikilala ang mga pangunahin at pangalawang sanggunian.
Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian.
Nasusuri ang tekstong argumentatibo batay sa estruktura nito tulad ng tesis, proposisyon, datos, pangangatuwiran, at rebuttal.
Naipaliliwanag ang mahahalagang ideya at detalye gamit ang diksyon, estilo, transisyonal at kohesiyong gramatikal, at kaangkupan ng salita at ideya na nais iparating sa mambabasa.
Tekstong Biswal
5 competencies
Nasusuri ang mga tekstong biswal batay sa teknikal na biswal.
Naipaliliwanag ang mga elemento ng tekstong biswal.
Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng tekstong panitikan at argumentatibo.
Nasusuri ang estereotipo sa tekstong biswal.
Naipaliliwanag at naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng teksto.
Pabalat ng Graphic Novel
8 competencies
Nakapipili ng nobela sa Panahon ng Kasarinlan.
Naitatala ang pinakakapana-panabik na bahagi ng nobela na gagamitin sa pabalat ng graphic novel.
Nakabubuo ng pabalat ng graphic novel hango sa literaring analisis sa sinuring nobela.
Naiguguhit ang imahen o larawan ng tauhan, tema, panel, at gutter batay sa mga pangyayari at dayalog na kinasangkutan nila.
Nakabubuo ng disenyo at pabalat o cover para sa graphic novel gamit ang mga elementong biswal.
Nailalapat ang angkop na kulay at teksto sa nabuong imahen o larawan.
Nasusuri ang kaangkupan ng mga inilapat na elemento sa pabalat ng graphic novel.
Naibabahagi ang pabalat sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, etikal na kasanayan, at pananagutan.
Korespondensiyang Opisyal
9 competencies
Nasusuri ang mga katangian ng korespondensiya opisyal.
Natutukoy ang isang korespondensiya opisyal batay sa layon at sitwasyon.
Nakapagbabalangkas ng isang korespondensiya opisyal batay sa layon at sitwasyon.
Nakasusulat ng isang korespondensiya opisyal gamit ang nilikhang logo at letterhead.
Natutukoy ang tiyak na logo at letterhead na gagawin para sa isang korespondensiya opisyal.
Naitatala ang mga tiyak na larawan, caption, at mga tao na kabilang sa letterhead.
Nakabubuo ng plano at burador hinggil sa logo at letterhead.
Nakabubuo ng isang korespondensiya opisyal batay sa layunin, gamit ang nilikhang logo at letterhead.
Naibabahagi ang nabuong korespondensiya opisyal sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, paggamit ng sulatroniko o email, at etikal na kasanayan at pananagutan.
Noli Me Tangere
13 competencies
Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng Obra Maestra – Noli Me Tangere.
Nasusuri ang mahahalagang pangyayari batay sa konteksto ng panahon, lunan, at may-akda.
Natutukoy ang mahahalagang elemento tulad ng tauhan, tagpuan, banghay na tuon sa tunggalian, at detalye sa Noli Me Tangere.
Naipaliliwanag ang banghay, foreshadowing, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa Noli Me Tangere.
Nasusuri ang mga elementong panlingguwistika sa Noli Me Tangere.
Naipaliliwanag ang banghay, pagkakahanay ng mga pangyayari, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa Noli Me Tangere.
Naipaliliwanag ang banghay, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa Noli Me Tangere.
Naiuugnay ang mahahalagang kaisipan batay sa sariling pananaw, moral, katangian, at karanasan ng tao.
Naipaliliwanag ang banghay, pagkakasunod-sunod, parallelism, simultaneity, mensahe, pahiwatig, at kaisipan sa Noli Me Tangere.
Nasusuri ang mga tekstong biswal na makikita sa Noli Me Tangere.
Naipaliliwanag ang kahulugan ng tekstong biswal sa Obra Maestra – Noli Me Tangere.
Naiuugnay ang mga elemento ng tekstong biswal sa pag-unawa ng Obra Maestra – Noli Me Tangere.
Nakapaghahambing ng mga tekstong hawig sa Noli Me Tangere at iba pang nobelang panlipunan na nasusulat sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Video Trailer ng Noli Me Tangere
8 competencies
Nakapipili ng tiyak na bahagi ng Noli Me Tangere.
Nakabubuo ng video trailer ng Noli Me Tangere na nagpapakita ng pag-unlad ng usaping panlipunan sa kasalukuyan.
Nakabubuo ng plano sa pagbuo ng trailer at burador.
Nakakukuha ng videos ng mga gaganap.
Nalalapatan ng sound effects na kailangan sa video.
Nailalapat ang iba pang elementong multimodal.
Nairerebisa ang nabuong video trailer.
Naibabahagi ang nilikhang tekstong multimodal sa napiling platform na isinasaalang-alang ang kasanayang komunikatibo, etikal na kasanayan, at pananagutan.