The 61 competencies set for Grade 11 Filipino, and every one has lessons behind it.
Wika, Tono, at Awdyens sa Personal na Komunikasyon
6 competencies
Natutukoy kung paano ginagamit nang may layunin ang wika at tono sa pagtalakay ng personal at interpersonal na paksa.
Nakagagamit ng angkop na wika, tono, at estruktura ayon sa awdyens, layon, at konteksto.
Natutukoy kung paano ginagamit nang may layunin ang wika at tono sa pagtalakay ng iba’t ibang personal at interpersonal na paksa.
Nakabubuo ng maayos na personal at interpersonal na komunikasyon na nagpapakita ng malinaw na layunin at pag-unawa sa awdyens.
Nakagagamit ng angkop at mabisang wika at estruktura sa iba’t ibang layunin.
Naipaliliwanag ang proseso ng pagpapahayag sa personal na konteksto.
Pag-unawa at Pagsusuri ng Personal na Mensahe
4 competencies
Nahihinuha ang mga pangunahing idea mula sa mga tekstong pasalita, pasulat, at multimodal.
Nasusuri ang nilalaman at layunin ng personal at interpersonal na komunikasyon.
Nasusuri ang nilalaman at layunin ng personal at interpersonal na korespondensiya.
Naipaliliwanag ang proseso ng pagbibigay-kahulugan at pagpapahayag sa personal at digital na konteksto.
Etika at Estratehiya sa Pakikipag-ugnayan
3 competencies
Nakagagamit ng magagalang na pananalita at mga estratehiya sa pagpapadaloy ng usapan.
Nakagagamit ng angkop na di-berbal na mga estratehiya upang mapahusay ang kalidad ng komunikasyon.
Nakalalahok sa komunikasyong intrapersonal upang mapagnilayan ang natutuhan at karanasan, makapagtakda ng layunin, at makagawa ng online na presensiya habang pinoprotektahan ang pribadong datos.
Komunikasyong Sosyal at Kultural
5 competencies
Naipaliliwanag ang mga saloobin, paniniwala, o pananaw sa mga paksang sosyal at kultural sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon.
Nagagamit ang kamalayang kultural at sensibilidad sa kritikal na pakikinig, pagbasa, at panonood.
Nakagagamit ng angkop na berbal at di-berbal na estratehiya sa kontekstong sosyal at kultural.
Naipakikita ang sensibilidad sa panlipunang gampanin, pangkatang dinamika, at kultural na pagkakakilanlan.
Naipaliliwanag kung paano nakaaapekto ang kamalayang kultural at sensibilidad sa pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa iba’t ibang kontekstong panlipunan.
Kritikal na Pagbasa ng Midya, Panitikan, at Kulturang Teksto
3 competencies
Nahihinuha ang pangunahing mensahe, ipinahihiwatig na kahulugan, at bias sa komunikasyong pampubliko, sibiko, o kultural.
Nagagamit ang kritikal na pakikinig, pagbasa, at panonood sa panitikan, midya, at digital communication.
Nakabubuo ng mapanuring rebyu ng tekstong may kabuluhang kultural.
Panlipunang Pananagutan sa Pagsulat
2 competencies
Nakabubuo ng public-facing texts na nagsusulong ng pagiging ingklusibo, pagkakapantay-pantay, o kamalayang panlipunan.
Nakabubuo ng argumento o naratibong sumasalamin sa panlipunang pananagutan, pagkakaiba-iba, at kaugalian.
Pakikilahok at Repleksiyon sa Iba’t ibang Konteksto
4 competencies
Naipaliliwanag ang proseso ng pagbibigay-kahulugan sa personal, interpersonal, sosyal, at kultural na konteksto.
Naipaliliwanag ang proseso ng pakikilahok sa iba’t ibang konteksto.
Nakasusuri ng sariling pakikilahok sa personal, interpersonal, sosyal, at kultural na komunikasyon.
Nakasusuri ng sariling pakikilahok sa komunikasyong personal, interpersonal, sosyal, at kultural na may pagtukoy sa kalakasan at kailangang linangin.
Pag-unawa sa Akademiko at Teknikal na Teksto
5 competencies
Natutukoy kung paano hinuhubog ng awdyens, layon, at konteksto ang nilalaman, estruktura, at wika ng akademiko at teknikal na teksto.
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa kritikal na pakikinig, pagbasa, at panonood upang maunawaan ang akademiko at teknikal na teksto.
Nabibigyang-kahulugan ang datos na nakalarawan sa multimodal na anyo tulad ng tsart, talahanayan, pigura, at iba pa.
Nagagamit ang angkop na estratehiya sa pag-unawa ng salitang di-pamilyar, kabilang ang espesyalisadong termino.
Nakasusunod sa pamamaraan, panuto, o proseso sa pasalita, pasulat, o multimodal na anyo.
Pagsulat at Paglalahad na Akademiko at Teknikal
6 competencies
Nakagagamit ng angkop na wika, tono, at estruktura ayon sa awdyens, layon, at konteksto sa akademiko at teknikal na paksa.
Naipaliliwanag ang mga konsepto gamit ang angkop na bokabularyo at wikang akademiko at teknikal at multimodal representation.
Nakabubuo ng maayos na akademiko at teknikal na teksto na may kamalayan sa awdyens at layon.
Nakabubuo ng maayos na akademiko at teknikal na teksto na nagpapamalas ng kamalayan at pagsasaalang-alang sa awdyens at layon.
Nakagagawa ng dayagram, tsart, balangkas, buod, sinopsis, o paraphrase mula sa tekstong pasalita, pasulat, o multimodal.
Nakagagamit ng mga etikal na pamantayan tulad ng wastong pagsipi, deklarasyon ng paggamit ng AI, at pag-iwas sa plagiarism sa pagbuo ng mas mahahabang akademiko at teknikal na teksto.
Talakayan at Kolaborasyong Akademiko
4 competencies
Nakikilahok nang may kabuluhan sa akademiko o teknikal na lektura, presentasyon, o diskusyon sa pamamagitan ng pagtatanong, pagbibigay ng puna o mungkahi, at angkop na pagtugon.
Nakikibahagi sa kolaboratibong gawaing akademiko at teknikal upang magamit ang kaalaman at kakayahan ng bawat isa at makamit ang kolektibong layunin.
Naipaliliwanag ang proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa akademiko at pampagsasanay na konteksto.
Nakasusuri ng sariling pakikilahok sa akademiko at pampagsasanay na konteksto upang mapaunlad ang pagganap at mahubog ang panghabambuhay na pagkatuto.
Pakikipagtalastasan sa Lugar ng Trabaho
6 competencies
Natutukoy ang paggamit ng wika at tono nang may layunin sa propesyonal at pantrabahong paksa.
Nakikinig nang aktibo sa komunikasyong pantrabaho at propesyonal upang makapagtala ng tumpak at organisadong impormasyon.
Nakikilahok nang may kabuluhan sa komunikasyong propesyonal o pantrabaho sa pamamagitan ng pagtatanong, pagbibigay ng puna o mungkahi, at angkop na pagtugon.
Nakikibahagi sa kolaboratibong gawaing pantrabaho o propesyonal upang magamit ang kaalaman at kakayahan ng bawat isa at makamit ang kolektibong layunin.
Nakikibahagi sa kolaboratibong gawaing pantrabaho o propesyonal tulad ng panukala, ulat, presentasyon, o proyekto.
Nakikilahok nang may kabuluhan sa komunikasyong propesyonal o pantrabaho sa pamamagitan ng pagtatanong, pagbibigay ng tugon, at angkop na pakikilahok.
Propesyonal na Pagsulat at Dokumento
8 competencies
Nakabubuo ng maayos na komunikasyong propesyonal o pantrabaho na nagpapamalas ng kamalayan sa awdyens at layon.
Nagagamit ang angkop na convention at malinaw na wika sa propesyonal na komunikasyon.
Nakabubuo ng maayos na komunikasyong propesyonal o pantrabaho.
Nagagamit ang angkop na convention sa pagsulat at tiyak, malinaw na wika.
Nakabubuo ng maayos na komunikasyong propesyonal o pantrabaho na may kamalayan sa awdyens at layon.
Nagagamit ang angkop na kumbensiyon sa pagsulat, tulad ng anyo at disenyo, font, bulleting at numbering, bolding, italicization, at tiyak at malinaw na wika.
Nakabubuo ng maayos na komunikasyong propesyonal na may kamalayan sa awdyens at layon.
Nagagamit ang angkop na convention sa pagsulat at malinaw na wika sa professional documents.
Résumé, Aplikasyon, at Propesyonal na Profile
2 competencies
Nakabubuo ng professional profile na angkop sa layon at awdyens.
Nakabubuo ng résumé at aplikasyon sa trabaho o kolehiyo na angkop sa layon at awdyens.
Kahandaan sa Propesyonal na Komunikasyon
3 competencies
Naipaliliwanag ang proseso ng pagpapahayag sa propesyonal at pantrabahong konteksto.
Naipaliliwanag ang proseso ng pagbibigay-kahulugan, pakikilahok, at pagpapahayag sa propesyonal at pantrabahong konteksto.
Nasusuri ang sariling kahandaang makilahok sa komunikasyong propesyonal at pantrabaho na may pagtukoy sa kalakasan at kailangang linangin.